Ang tagal kong hindi nakabisita sa blog ko! Heto mabuti at sinipag na naman ako ngayon !
Gigising ng maaga(as in maagang-maaga!), maliligo sa napakalamig na tubig(minsan nauubusan pa.haha!), magbibihis at magtotoothbrush !.Lalakad sa paaralan ng walang laman ang tiyan at malaki ang eye bags(sa mga masisipag mag-aral lamang!). Yan ang buhay sa kolehiyo,masyadong mahirap lalo na pag walang magulang na mag-aasikaso sayo sa umaga.Alam mo yung feeling na naririnig mo nang nagrereklamo na ang tiyan mo sa gutom dahil walang laman tapos dalawang oras ang unang klase niyo sa umaga at tuluy-tuloy pa.Ang hirap mag-isip ng matino lalo na kapag may pagsusulit.Nakapag-aral ka nga kaso hindi ka nakakapag-isip ng maayos kasi nakikipagkompetensiya ang tiyan mong gutom ! Minsan nga bago ka pumasok sa paaralan eh dumadaan ka muna sa tindahan malapit sa bahay niyo para bumili ng biskwit na pwedeng kainin habang nagkaklase(swerte ka kung pwedeng kumain sa room niyo !).Ang hirap ng ganitong buhay,nakakasawa na pero wala kang pagpipilian kundi ang magtiis ang ipagpatuloy ang naumpisahan na.
Exam week. Ito yung panahon na halos lahat ng estudyante ay abala sa pagpasa ng mga proyekto na ibinigay ng guro isang buwan na ang nakalipas.Cramming ang tawag diyan.Ito ngayon ang uso sa mga estudyante.Inuuna ang mga bagay na hindi nakakatulong sa pag-aaral.Pero hindi natin masisisi ang mga kabataan ngayon, kelangan din nilang mag-enjoy at hindi puro leksyon ang iniisip.
Nakakainis yung gurong ang sipag magbigay ng asaynments na halos isang pahina ng aklat ang ibibigay na asaynment at ang sagot eh dalawa hanggang tatlong bond papers lng naman! Malas mo kung ganyan ang guro mo.Swerte ka naman kung pabaya, laging late,absent at galanteng magbigay ng mataas na grade ang guro mo,para kang nanalo ng jackpot sa lotto.ha-ha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento