Hindi pa man pasko'y marami nang tahanan ang nagkakabit ng mga palamuti para sa pasko gaya ng parol at x-mas lights. Hindi rin maikakaila na hindi pa sumasapit ang pasko'y marami nang humihingi ng aguinaldo sa kanilang ninong at ninang.(masuwerte ka kapag galante ang ninong mo!hek.hek!)
Kakaiba talaga ang pasko sa Pinas. Nauuna tayong nagdiriwang ng pasko eh nahuhuli rin tayo sa pagtapos ng nasabing pagdiriwang .Gaya nga ng lyrics sa isang awitin :
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas
SEE? kahit walang pera eh nakakapagdiriwang pa rin ang karamihan ng masayang pasko. Walang pinipili ang pasko. Kahit matatanda eh gusto rin ang pasko. Ngunit sa kabila ng ating kasiyahan tuwing pasko eh nakakalimutan natin angkalagayan ni Juan dela Cruz (kilala niyo ba siya?). Masarap isipin na tuwing pasko ay nakakalimuta natin ang ating mumunting problema(pasensya sa mga taong pasan ang mundo sa laki ng kanilang problema.lol!). Kahit ilang araw lang ay nagkakaroon tayo ng peace of mind (naks !).
????? susunod na taon na nman.tinamad ako eh ! hahaha
MERRY CHRISTMAS !