Miyerkules, Mayo 9, 2012

Ulan


ULAN!!


hindi ako makatulog sa sobrang lamig.
buhos ng ula'y patuloy sa pagpatak
at mukhang lalakas pa ata
patay ! akoy may pupuntahan pa.


ayokong mag-isip kapag umuulan
napapaluha kasi ako ng walang dahilan
mga bagay na walang kwenta
pumapasok sa walang laman kong utak


ngayon habang umuulan,
akoy nakaupo malapit sa bintana
naghihintay na tumila
kahit alam kong mukhang wala nang pag-asa.


gusto ko nang pumunta, sa party ni cheska
ako'y gutom na
sapagkat hindi ako kumain kanina
burrr...ayon !
tunog ng tiyan kong gutom !

-pwede na ba maging makata?.just trying.he! he!
sana hindi to mabasa ng mga hinayopak kong kaibigan.tiyak pagtatawanan nila ako.subok lang naman kung makakagawa ako ng tulang walang kwenta.hahaha:D






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento